Home » » Episode 2 - Ang Bossy at ang Flirt : Survivor Philippines 2 Palau

Episode 2 - Ang Bossy at ang Flirt : Survivor Philippines 2 Palau

Written By Celebrity Hot on Tuesday, August 18, 2009 | 8:38 AM

Let's try using the Filipino narration. Comment if you like the English version or this one.

Kakatapos lamang ng Episode 2 ng Survivor Philippines 2 Palau at talaga namang masasabi nating kapana panabik ang mga eksena.

Sa kampo ng Koror, mapapansin na si teacher Carol ay maagang nagpapakita ng pagiging Bossy o palautos. Lingid kaya sa kaalaman nya na kinaiinisan na siya ng mga kasamahan nya o talaga lang na nagmamanhid manhidan siya. Di kami magugulat kung siya ang kauna unahang mapa alis ng mga katribo.



Sa kabilang kampo naman ng Airai, mapapansin na ang lahat ay masaya sa pagkakapanalo ng unang challenge. Bunga nito, maaliwalas ang pakikitungo ng bawat isa. Maliban na lang sa isang pasaway na si Troy. Sa mga eksena, lumalabas na may pagka presko itong si Troy. Ayon sa mga kasamahan nung oras ng pagtulog, pilit na gumigitgit itong si Troy sa tabi ni Mika. Ayon din kay Amanda, 'disrespectful' umano itong si Troy at bastos. Di namin masisisi si Troy sapagkat talaga namang napaka seksi nitong si Mika. Isa lang kaya itong stratehiya ni Troy gaya ng sabi nya o talaga lang di siya makapagpigil sa kagandahan at kaseksihan ng mga kasamahang babae?

Bukas, magaganap ang isa na namang challenge para sa dalawang kampo. Ano kaya ang mga premyo. Abangan...
Share this article :
 
Support : Copyright © 2014. Porno Tube