Home » » Episode 5 The Revelation on Justine - Survivor Philippines Palau

Episode 5 The Revelation on Justine - Survivor Philippines Palau

Written By Celebrity Hot on Friday, August 21, 2009 | 7:47 AM

Kakaiba ang episode 5 ng Survivor Philippines na kakatapos lang ngayong gabi. Isa sa pinakamalaking rebelasyon ang ating natuklasan - si Justine Ferrer ay isang 'transgender' o isang di tunay na babae.

Bago ito, naging usap-usapan na ang bagay na ito sa mga forums at maging sa facebook profile ng Survivor. Maging dito sa PCO, nakapag sulat na din kami ng mga sapantaha na ang sinasabing 'biggest revelation' ay may kinalaman kay Justine. Sino nga naman ang mag aakala na itong si Justine pala ay hindi tunay na babae. Maging kami ay hindi makapaniwala. Simula't sapol ng sya ay aming makita, kami ay nabighani ng kanyang ganda. Magandang hubog ng katawan, balingkinitan at seksing manamit. Subalit kami ay napeke. Mahirap na talagang magtiwala sa hitsura ngayon. Ang aming buong akala ay mga lalaki lamang ang madalas makapeke (malalaki ang katawan subalit bading naman pala).

Justine Ferrer - Transvestite

Sa kauna unahang ginanap na tribal council, si Justine din ang kauna unahang napatalsik sa Survivor Philippines Palau. May kinalaman kaya dito ang pagkabigla ng kanyang mga katribo sa kanyang tunay na pagkatao?

Habang nanunuod, aming hinihintay kung ano ang sinasabing twist. Akala namin ay wala na, subalit nung malapit ng matapos, may voice over na animoy nag uusap si Paolo at Justine na waring sinasabi na maaaring pang makabalik sa laban itong si Justine. Bukod dito, may ipinakita ring flag na kakaiba. Unang inisip tuloy namin na maaaring may isa pang tribo bukod sa Airai at Koror. O baka naman ito ang magiging pansamantalang tribo ng natanggal na si Justine.

Habang aming sinusulat ang artikulo na ito, naisipan naming itsek ang website ng Survivor Philippines Palau. Mukha yatang sa dami ng bumibisita ay bigla na lang nag error ang nasabing website. Sayang, inannouce pa naman nila na pwedeng mag comment ang kahit sino man simula alas 9 hanggang alas 12mn ng walang mag momoderate. Ibig sabihin, kahit pangit ang komento mo ay walang magbubura.
Share this article :
 
Support : Copyright © 2014. Porno Tube